top of page


Sarswalang Kwenta
Sa hilaga’y may lumang entablado, may bagong palabas, Binihisan mga kalahok, mas matamis ang bigkas. Ngiti’t ngiwi’y sagad-saring walang wakas, Pangako’y patag ilatag, kunwari’y makinis na landas. Sa hilaga’y may lumang entablado, iyon pa rin ang palabas, Karakter na laos, bida’t sanay humudas. Bubusala’ tatabunan, bawat saksi, bawat butas, Nang ang tagong baho’y hindi bumitaw, tumagas. Sa hilaga’y sira ang entablado, nabaon na ang bakas, Kaguluha’t karahasan, padalas nang pa


Masakit sa Mata, Mahapdi sa Lipunan
Masakit sa mata kapag ang alikabok ay dumapo sa mata, kahit maliit, may epekto pa rin—mahapdi hanggang mapaluha. Hindi man gustong mangyari, pero ikaw ngayo’y naiirita. Tulad ng mga napapanahong isyung nakikita, hindi mo pwedeng ipagsawalang-bahala. Sa tindi ng init ng panahon, sumasabay rin ang bugso ng damdamin. Mataas na presyo ng gasolina, umaaray na bulsa, pera’y titipirin. Trabaho sa senado, ayaw? Tagu-taguan paiiralin? Sir, sir, kakampi ka po ba o kami’y kakalab


Dumating na ang Messiah
Handa ka ba kung darating na Siya? Sa kwento ng Bibliya, muling bababa ang anak ng Diyos. Ang pinatay ng demokrasya, ng lipunang naniwalang kalapastanganan sa harap ng diyos ang suwayin ang kanilang mga gawi. Pero matapos ang dalawang siglo, dama kong nagbabalik siya—sila. Malakas ang kutob kong hindi siya nag-iisa, dahil para masalba ang kristyanong lipunang patuloy na pinipili ang magnanakaw at manlilinlang, hindi kakayanin ng isang katauhan lamang na isalba ang buong bansa


Humor na Hindi ko Inadapt
Hindi biro ang nais ninyong pagbabago… Tila isang suntok sa buwan ang paghahangad ng pagbabago sa gitna ng isang krisis na matagal nang umiiral ngunit tila sadyang hinahayaang manatili. Isa itong malaking palaisipan kung bakit ang sektor na dapat nagsisilbing matibay na pundasyon ng holistikong paghubog sa mga mag-aaral—lalo na sa larangan ng Humanidades at Agham Panlipunan—ang siya pang unti-unting isinasantabi at pinakikialaman. Bakit natin pilit binabago ang mga bagay na h
bottom of page