top of page


Kupas na Pangarap
Paghihirap, matatapos pa ba kung ang mataas ay ’di magpapakumbaba? Iniisip ang sariling kapakanan, habang ang mahihirap ay tinatapak-tapakan. Tungkuling maghalal ng mas nararapat, ngunit nagpasilaw sa perang madungis at kupas. Perang kahit kailan man ay ’di sasapat, tayo ang lugi, korapsiyon ay dadami’t dadagundong sa balat. Tila ba’y nakalimutan ang pangako, may pangako, ngunit ito’y napapako. Pilipinas, paano makakaahon? Kailan magbabago ang ating panahon? Hindi ba’t ang ba


Tayo't Bago
“Sugatan man ang bayan…” ani ni Crisostomo Sabay sa haplos ng luha ang bigla niyang paghinto Kumikiskis sa kataga ng sulatang bughaw Habang sumisinghap sa yakap ang bigat ng tahimik na batingaw Tusok sa mata ang inaapuhap na ginto Tila yaman sa bulsa ang impostorang tanso Halimuyak ng pabango’y hinahanap ni Crisostomo Gayong miktataghay na ang tinta sa bawat artikulo Asul na papel ang barya ng panandaliang kaingayan Pero pisong pilak ang halaga ng permanenteng katahimikan Kay


Sarswalang Kwenta
Sa hilaga’y may lumang entablado, may bagong palabas, Binihisan mga kalahok, mas matamis ang bigkas. Ngiti’t ngiwi’y sagad-saring walang wakas, Pangako’y patag ilatag, kunwari’y makinis na landas. Sa hilaga’y may lumang entablado, iyon pa rin ang palabas, Karakter na laos, bida’t sanay humudas. Bubusala’ tatabunan, bawat saksi, bawat butas, Nang ang tagong baho’y hindi bumitaw, tumagas. Sa hilaga’y sira ang entablado, nabaon na ang bakas, Kaguluha’t karahasan, padalas nang pa


Masakit sa Mata, Mahapdi sa Lipunan
Masakit sa mata kapag ang alikabok ay dumapo sa mata, kahit maliit, may epekto pa rin—mahapdi hanggang mapaluha. Hindi man gustong mangyari, pero ikaw ngayo’y naiirita. Tulad ng mga napapanahong isyung nakikita, hindi mo pwedeng ipagsawalang-bahala. Sa tindi ng init ng panahon, sumasabay rin ang bugso ng damdamin. Mataas na presyo ng gasolina, umaaray na bulsa, pera’y titipirin. Trabaho sa senado, ayaw? Tagu-taguan paiiralin? Sir, sir, kakampi ka po ba o kami’y kakalab
bottom of page