Pag-iral sa Dilim
- Jun 28
- 1 min read

Ang pagmamahal ay hindi namimili ng sisidlan, ang mahalaga ay ang laman.
Ngayong buwan ng Hunyo, samu’t saring bahaghari ang taas-noo. Ang bawat kulay ay may kaakibat na kahulugan: ang pula ay búhay, ang kahel ay paghilom, ang dilaw ay para sa liwanag, habang ang berde naman ay para sa kalikasan, at ang asul ay para sa pagkakaisa.
Hindi basta-basta ang magmahal sa bansang patuloy na pinapatakbo ng kultura at paniniwala. Maraming beses kang madadapa, tatalikuran, at panghihinaan ng loob bunga ng diskriminasyon.
Ngunit sa mundong punô ng kaguluhan, hayaan mong hawakan ko ang iyong kamay. Sabay tayong susuong sa laban ng ating karapatan.
Ikaw. Ako. Tayo. Kami ay búhay. Kami ay nagmamahal. Kami ay lumalaban.
Ang aming pag-iral ay hindi kasalanan. Bagkus, isang simbolo ng bahagharing nagniningning sa madilim at masalimuot na paniniwala ng mundo.
Isinulat ni Reign Margaret Bahia



Comments