top of page

Bulaklak Na Hindi Mo Mapipitas

  • Jun 27
  • 1 min read

Sa hardin ng samu't-saring mga bulaklak,

Tila lahat ay may hinahagilap.

Ang init ng araw, ang ulan sa ulap,

Sa bawat talulot, pilit humahatak.


Ngunit sa sulok, may mumunting umusbong,

Sa saliw ng hangin, umindak ay walang tulong.

Sa dahon niyang luntian at maamong pilantik,

Hindi na kailangan ng dilig o halik.


Sinabi ng paruparo, siya raw ay tuyot,

Na kulang sa lambing, sa haplos ay kapos,

Ngunit kung huhugutin ang lalim ng ugat,

Lumagong matapat, sarili ay sapat.


Hindi siya naghihintay na dalhin pa ng hangin,

Sariling pag-ibig at ganda’y kusang aangkinin.

Hindi na kailangang magbigay pa ng mga bunga,

Para masabing siya’y buhay at malaya.


Siya ang bulaklak sa ilalim ng buwan,

Sa isip at katawan, payapa ang unan.

Hindi maliligaw sa mundong nagpapalit, 

Dahil sa sarili nakaugat, malakas ang kapit.


Isinulat ni Jona Trisha

Comments


bottom of page