top of page


#Danas
Ang P sa PUP ay pila. Pila bago makapasok sa gymnasium. Pila para sa admission. Pila para sa interview. Pila para sa medical. Pila para sa certificate of registration at ID picture. Hanggang Anonas Street, may pila. Isinagawa ang unang araw ng enrollment noong Hunyo 7, 2026 na idinaraos sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) para sa mga bagong iskolar ng bayan, ngunit sumalubong sa kanila ang kabi-kabilang suliranin at pagpapahirap upang makakuha ng kanilang prior


Bukang-Liwayway sa Perlas ng Silangan
Sa pagsilang ng araw sa dulo ng dagat, Liwanag ay kumakaway sa gintong pinangarap. Ibong namulat ay hinahaplos ng hanging banayad, Kaya’t sa himpapawid nais ang malayang paglipad. Silangan ang tahanan ng bagong pag-asa, Bawat sinag dito’y lakas na nadarama. Mula sa dilim ay unti-unting bumabangon, Hatid ng umaga ang gabay ng kahapon. Sa bawat ulap na humaharang sa langit, Tibay ng bagwis ay hindi kayang alipinin. Bagyo man o unos ang humadlang sa mithing nais, Patuloy ang lip


Sa Ilalim ng Kulang na Langit
Sa panahong ang pagbabago ay sambit ng bawat labi, tila hanging ligaw na dumaraan, nararamdaman ngunit ‘di ganap na dumadampi, sapagkat ang bayan ay sabik sa pag-angat at pagbangon, ngunit ang tugon ng pamamahala’y tila mabagal, malayo sa alon ng pag-ahon, kaya ang pag-asa’y nauuwi sa paghihintay na paulit-ulit at nakakapagod na panahon. Sa bawat sulok ng komunidad, ang kakapusan ay hindi na bago, parang bisitang palaging dumarating kahit hindi inaanyayahan ng tao, kapwa Pili
bottom of page