Bukang-Liwayway sa Perlas ng Silangan
- 6 days ago
- 1 min read

Sa pagsilang ng araw sa dulo ng dagat,
Liwanag ay kumakaway sa gintong pinangarap.
Ibong namulat ay hinahaplos ng hanging banayad,
Kaya’t sa himpapawid nais ang malayang paglipad.
Silangan ang tahanan ng bagong pag-asa,
Bawat sinag dito’y lakas na nadarama.
Mula sa dilim ay unti-unting bumabangon,
Hatid ng umaga ang gabay ng kahapon.
Sa bawat ulap na humaharang sa langit,
Tibay ng bagwis ay hindi kayang alipinin.
Bagyo man o unos ang humadlang sa mithing nais,
Patuloy ang lipad tungo sa bayang nagngingitngit.
Mga pangarap na tila bituing nagniningning,
Gabay sa pusong piniling patuloy na manalig.
Sapagkat sa silangan muling sumisibol ang bagong simula,
Bitbit ang tinig at sigaw ng bayang naghahangad ng laya.
Patuloy na lilipad nang matayog kasabay ng hangin,
Hahabulin ang bukas na lahat ay makararating.
Yamang sa bawat pagaspas ay siyang awit ng buhay,
Na sa Silangan matatagpuan at nagsisimulang tunay.
Isinulat ni Vince Cruz



Comments