top of page

𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐑𝐘 | Walang-hiya(wan)

Jul 30
1 min read

Tinawag ko kayo sa piging,

magdiriwang tayo sa taong naging

Humayo at lumigaya

sa kamay ng bayang dalita


Ang bansa aniya dati'y pangit,

ngayo'y nagluluwal ng bahaghari

Nagningning ang kanilang mga mata

At pumalakpak ang mga tainga


Katiwaliang pinuksa ng termino,

ibinida sa harap ng madla

Walang dumi, ni anino

At nagpalakpakan muli sila


Tumayo, matikas sa harap ng mga kamera,

walang-hiyang ngumiti nang huwad sa aming mga mata

Masaya ang maupo sa itaas,

habang nakasayad sa baha ang anila'y mga Hudas


Ang bayang natutuwa sa nagmumura,

ngayo'y nagpupunyagi sa mga blangkong salita

Papalakpak at ngingiti twina

Palibhasa'y sila lamang ang sagana


Tinawag ko kayo,

mga alipores ng aking baryo

Maghahari tayo't liligaya

Magpapalakpakan kahit walang kamangha-mangha


𝘐𝘴𝘪𝘯𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘑𝘰𝘩𝘯 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩 𝘋𝘢𝘱𝘪𝘵𝘢𝘯

𝘗𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘪 𝘐𝘺𝘢 𝘖𝘯𝘨

Comments


bottom of page