top of page


Politikal ang Maglakad
Halika samahan mo ako! Sa pagkaripas ng aking takbo sa mga pasamano sa gilid ng kalsada, tanaw ko ang samu’t saring mukha ng lipunan—mga tagpong bagaman abot lamang ng aking paningin ay sapat upang gumising sa aking kamalayan. Habang mabilis na humahampas ang hangin sa aking katawan, tila kasabay rin nitong nilalampasan ko ang mga katotohanang matagal nang umiiral ngunit madalas ay hindi pinapansin. Napaisip ako sa huling pagyapak ng aking mga paa sa kalsada nang ako’y tuluya


Lalabing-Isa
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang ng sampu, nakatago na kayo. Isa… Tila may pista sa himpapawid: may mga saranggolang bálot sa kulay ng mga salita, lumilipad sa hangin ng mga pangako—hanggang sa tangayin ng alapaap, na nasaksihan ng taumbayang naiwan sa ibaba’t nakatingala. Dalawa… Waring ahas kung makapaghubad ng unipormeng sinuot lamang sa seremonya matapos manumpa nang nakataas pa ang kanang kamay—kasimbilis sa pagpapalit ng ibang a


Bato, Bato, Pick!
Anong paborito mong laro? Tandang-tanda ko pa, limang taong gulang ako noong payagan ako ni Nanay na lumabas nang mag-isa para maglaro. Sa bakuran nina Noy, sa ilalim ng matandang punò ng Akasya, nagtitipon ang mga katulad kong bata—sumisigaw, humahalakhak, pumapalakpak, at masisigla. Nakatayô sila sa isang bilog at tila matatayog na gusali ang kanilang mga tindig. Nang magawa ko nang tumingkayad, kitang-kita ng dalawang mata ko kung ano ang kanilang ginagawa. “Ah, naglalaro


Kupas na Pangarap
Paghihirap, matatapos pa ba kung ang mataas ay ’di magpapakumbaba? Iniisip ang sariling kapakanan, habang ang mahihirap ay tinatapak-tapakan. Tungkuling maghalal ng mas nararapat, ngunit nagpasilaw sa perang madungis at kupas. Perang kahit kailan man ay ’di sasapat, tayo ang lugi, korapsiyon ay dadami’t dadagundong sa balat. Tila ba’y nakalimutan ang pangako, may pangako, ngunit ito’y napapako. Pilipinas, paano makakaahon? Kailan magbabago ang ating panahon? Hindi ba’t ang ba
bottom of page