๐๐๐ฅ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐๐จ, ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ
- May 11
- 3 min read
Isinulat ni: Sebastian Ahlem De Guzman

โBuhos na ulan, aking mundoโy lunuring tuluyanโ linya mula sa kantang isinulat ng isa sa mga haligi ng musika, si Ryan Cayabyab, ay tila isang paalala sa atin: sa bawat patak ng ulan, kasabay rin ang panaghoy ng kalikasang binawasan, binalewala, at pinabayaang mawalan ng kakayahang protektahan tayo. Tuwing panahon ng tag-ulan, tila taon-taon na lamang lumulubog ang ilang bahagi ng bansa sa baha. Sa Maynila, ilang minuto lamang ng malakas na buhos ng ulan ay sapat na upang makansela ang klase, ma-stranded ang mga motorista, at mabaon sa baha ang mga komunidad. Ngunit sa likod ng mapanirang epekto nito, may malalim na paliwanag ang agham sa likod ng pagbahaโat dito, may malaking papel ang mahinang drainage system at deforestation.
Baradong Plano, Baha ang Bunga
Sa isang maayos na urbanisasyon, mahalagang bahagi ang matibay at episyenteng drainage system. Subalit sa Pilipinas, maraming kanal, estero, at daluyan ng tubig ang barado o undersizedโhindi na kayang saluhin ang volume ng ulan na dala ng climate change. Ang mga siyudad ay napupuno ng kongkreto, kayaโt ang lupa na dapat sumisipsip ng tubig ay nawawala. Imbes na lumubog ang tubig sa lupa, itoโy naiipon sa ibabaw, bumabaha sa kalsada, at pumapasok sa mga tahanan. Ang problemang ito ay pinalalala pa ng maling pagtatapon ng basura, kawalan ng regular na paglilinis ng kanal, at kawalang pondo para sa rehabilitasyon ng drainage systems.
Hindi lamang ang mga siyudad ang dapat sisihin. Ang urban planning mismo ay may pananagutanโitinayo ang mga subdivision sa dating palayan o floodplain, inokupahan ang mga ilog at sapa ng mga imprastruktura, at walang isinagawang tamang flood zoning. Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang kakulangan sa flood infrastructure projects ay isa sa mga pangunahing dahilan ng baha. Sa ganitong sistema, hindi na nakakagulat na sa bawat ulang biglaang bumubuhos, tila baha ang laging kasunod. Sa usapin ng lungsod, kailangang magsimula ang solusyon sa agham at tamang disenyo.
Kalikasan at Kagubatan, Anong Kahahantungan?
Malaki ang papel ng kalikasan sa pagsipsip at pag-kontrol ng ulan. Sa mga kabundukan, lalo na sa Sierra Madre, ang mga ugat ng puno ay natural na humihigop ng tubig habang ang kagubatan ay nagsisilbing panangga sa rumaragasang ulan. Ngunit sa kasalukuyan, tuluy-tuloy ang deforestation. Ayon sa Forest Management Bureau ng DENR, halos 47,000 ektarya ng kagubatan ang nawawala kada taon sa Pilipinas. Ang resulta? Wala nang sumisipsip sa ulan, kayaโt ang tubig ay mabilis bumababa mula sa bundok patungong kapatagan, dala ang putik, bato, at panganib ng landslide.
Ang unti-unting pagkakalbo ng Sierra Madreโna tinatawag na โBackbone of Luzonโ laban sa mga bagyong nagbabadya ng panganibโay isa sa mga pinakamatingkad na halimbawa ng kapabayaan sa kalikasan. Ang mga planong mega-infrastructure projects gaya ng Kaliwa Dam, pagmimina, at illegal logging ay patuloy na sumusugat sa kabundukan. Kapag nawala ang Sierra Madre, hindi lamang kabundukan ang mawawalaโkundi maging ang huling panangga ng maraming komunidad sa gitna ng kalamidad. Hindi ito usapin ng โnatural na sakunaโ kundi ng kagagawan ng tao laban sa kalikasan.
Tao, Klima, at Pananagutan, Pagitan ng Agham at Aksyon
Sa harap ng lumalalang epekto ng climate change, ang mga pag-ulan ay hindi lamang mas malakas, kundi mas hindi inaasahan. Ayon sa IPCC (Intergovernmental Panel on Climate Change), ang Southeast Asia ay kabilang sa mga rehiyong pinakamadaling tamaan ng epekto ng global warmingโkabilang na rito ang extreme rainfall. Sa Pilipinas, ang epekto nito ay malinaw: kahit maikling buhos ng ulan ay maaaring magdulot ng malawakang pagbaha. Ngunit tandaanโang ulan ay hindi kasalanan. Ang tunay na dahilan ng sakuna ay ang hindi pagiging handa ng tao.
May magagawa tayo. Mula sa agham, may mungkahing mga solusyon: green infrastructure tulad ng rain gardens, vegetated swales, permeable pavements, at urban reforestation. Sa pamahalaan, dapat itaguyod ang tamang zoning, flood mapping, at proyekto ng reforestation, lalo na sa Sierra Madre. Sa antas ng komunidad, mahalaga ang edukasyon, tamang pagtatapon ng basura, at pakikilahok sa mga environmental programs. Ang problema ng baha ay hindi kayang resolbahin ng iisang sektor lamang. Lahat tayo ay may pananagutanโat sa pagkakaisa ng agham at pagkilos, maaaring magkaroon ng pag-asa ang ating basang bukas.
Hindi natin mapipigilan ang ulan, ngunit kaya nating pigilan ang pinsalang dulot nito kung tayoโy kikilos. Sa bawat punong itinatanim, bawat kanal na nililinis, at bawat proyektong nakaugat sa agham at malasakit, tayo ay lumilikha ng panangga sa sakuna. Sa gitna ng kalbong mundo, may pag-asang muling mag-ugat. Sa halip na maghintay ng lunod, panahon na upang tayong lahat ay maging daluyan ng solusyon. Ang ating bukas ay hindi dapat laging basa sa trahedyaโkung itoโy ating ipaglalaban sa ngalan ng agham, kalikasan, at bayan.



Comments