πππππ‘π¨ πππ‘π’π₯ πππ² πππ§π ππ«ππ©: πππ₯πππ«ππ°ππ§ π§π ππ¬ππ§π ππππ’ππ§
- May 11
- 3 min read
Isinulat ni: John Kenneth Dapitan

Unahan na kita. Hindi ito panghuhusga kay Sinta, pero kung sanay ka na sa amoy ng ilog Pasig at mga kalye sa Sta. Mesa, may mas malalim na kahulugan ang simoy nito tuwing umagaβpangarap.Β
Enrolment na naman. Kahit tangayin na ng ihip ng hangin, tuloy ang βcampingβ nang madaling araw para sa βdream programβ. Walang halong biro, pasilip pa lang ang lagpas kalahating araw na paghihintay sa PUP Gymnasium sa katotohanang nakatatakot ang kolehiyo. Lalo na kung kukupad-kupad ka sa daan, baka maligaw ka sa gulo ng Pureza at lansangan ng Teresa. Ngunit kung naghahanap ka ng βsignβ na abutin ang bituin sa logo ni Sintang Paaralan, ako na! Sa akin ka maniwala. Nakatatakot ang kolehiyo ngunit sa kaba nagsisimula ang tunay na ligaya.Β
βWholesome experienceβ ang maging PUPian. Nagiging zombie sa pagdumog ng pila, makakain lang sa PUP Lagoon. Mathematician kung magkalkula kung ilang pogiβt maganda na ang bumusog sa kanilang mata. Guro sa pagtuturo ng mga adbokasiya para sa kaunlaran ng lipunan, βsuperstarβ kung gumiling sa mga protesta laban sa danas na katiwalian at pang-aabuso sa mga dukha. Hindi ka lang nag-enroll upang maging estudyante, nagsign-up ka para sa walang hanggang ligaya.
Ang Masangsang sa Pagiging PUPian
Subalit mag-ingat ka, dahil galit sa mga edukado ang lipunan. Sa puntong mamulat sa dinaranas ng mga tindahan sa loob ng PUP, sahod ng mga propesor sa Sinta, mga silid-aralang lagpas 40 katao ang nagsisiksikang tila sardinas sa lata, at patuloy na panggigiit sa mga nagsasalita; mahirap nang ipikit ang mga mata. Mahirap na magkibit-balikat sa bangungot ng 70,000 na mga estudyante.
Binigyan ng talino, pero hinahawakan sa leeg. Binuksan ang mga bibig ngunit nilagyan ng busal. Para saan ang apat na taong edukasyon kung magsusunod-sunuran lamang sa bulok na mga sistema? Mataas ang hangarin ng bawat estudyante, gayon din ang kanilang potensyal na maging sandalan ng bayan. Kalakip ng bawat aralin ay ang pagmulat sa kababalaghan ng mundong brutal sa mata ng mga bata.
Gayunpaman, huwag kang matakot na ganito ang hitsura at amoy, dahil ito ang takot na nagtutulak sa mga PUPian na wakasan sa pamamagitan ng pakikibaka.
Ang Sinisintang Pamantasan
Sa katotohanan, sa likod ng mga takot ay ang mas marami pang ikatutuwa sa loob ng kampus. Bukod sa mga masasayang kaganapan tuwing Balik Sinta at selebrasyon sa loob ng mga kolehiyo, mabubuo ang iyong βfreshman experienceβ sa samuβt saring organisasyon na may ibaβt ibang layunin at gampanin sa loob ng pamantasan. Hindi lang pangarap ang abot-kamay, pati na rin ang mga passion mo sa labas ng iyong programa. Pwede kang maging si George ng The Hows of Us sa mga teatro kung gugustuhin mo dahil hindi nakagapos ang kamay rito, ang mahalaga ay kung gugustuhin mo.
Ang araw namin bilang estudyante ay lumalagpas sa pasilyo ng PUP. Abot ito hanggang sa lansangan ng Teresa, kahabaan ng Pureza, maging sa mga sari-sarili naming tahanan. Ang maging bahagi ng pamantasan ay walang hanggang pagsinta sa lipunan kaya masdang umusbong ang mga naipunla, at payabungin ang kisig ng masa. Sa paglagpas ng isang taong panunuluyan kay Sinta, mapagtatantong malasakit ang piliing lunukin ang takot ng kolehiyoβmaging ang mabahong simoyβdahil may mas kailangan pang haraping tunay na hamon sa bawat araw ng pagiging PUPian.Β
Amoy alimuom man ang damit pero dahil nandito ang pangarap ko, nahanap ko pa rin ang aking sarili bilang pinakamabango sa balat ng lupa.



Comments