Hindi biro ang nais ninyong pagbabago… Tila isang suntok sa buwan ang paghahangad ng pagbabago sa gitna ng isang krisis na matagal nang umiiral ngunit tila sadyang hinahayaang manatili. Isa itong malaking palaisipan kung bakit ang sektor na dapat nagsisilbing matibay na pundasyon ng holistikong paghubog sa mga mag-aaral—lalo na sa larangan ng Humanidades at Agham Panlipunan—ang siya pang unti-unting isinasantabi at pinakikialaman. Bakit natin pilit binabago ang mga bagay na h