Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Ako’y isang tala—’yun nga lang ay natatakpan. Lumusulot sa mga ulap, lumulutang sa alapaap. Kung tatabi kay Moroporo, kikislap pa ba ako? Sabi ni inay, ako raw ay maghintay… ang bituing maliit ay dapat munang magpalaki, magpainit, magpaganda; dahil ang liwanag ko ay hindi pa sapat para mapansin ng madla. Kikislap, ngunit hindi pa nakatakda. Ang tanong ko naman, “Bakit, ako ba’y kakaiba?” Sumagot muli siya, “Kailangan mong maghanda para sa t