Ang P sa PUP ay pila. Pila bago makapasok sa gymnasium. Pila para sa admission. Pila para sa interview. Pila para sa medical. Pila para sa certificate of registration at ID picture. Hanggang Anonas Street, may pila. Isinagawa ang unang araw ng enrollment noong Hunyo 7, 2026 na idinaraos sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) para sa mga bagong iskolar ng bayan, ngunit sumalubong sa kanila ang kabi-kabilang suliranin at pagpapahirap upang makakuha ng kanilang prior