isinulat ni Kristan Gile — “Alpas sa Tanikala” Ayon sa sarbey ng Social Weather Stations (SWS) noong 2023, kalahati o 50 bahagdan ng mga Pilipino ang hindi nasiyahan sa K-to-12 program. Nagpanukala na rin ng batas sa Senado si Sen. Jinggoy Estrada upang tanggalin ang senior high school. Sinegunduhan naman ng Kabataan Partylist ang pagbasura sa programa dahil hindi umano naging matagumpay ito. Nagmumula ang sentimiyentong ito sa mga naging kapalpakan umano ng programa lalo na